![]() |
| Retrieved on March 4, 2014 at http://www.dreamstime.com/royalty-free-stock-image-spider-silhouette-branch-not-illustration-image33419556 |
Maliliit na gagamba
Umakyat sa sanga
Dumating and ulan
Itinaboy sila
Sumikat ang araw
Natuyo ang sanga
Maliliit na gagamba
Ay laging masaya
Teoryang Maxismo. Ang marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita
ng tunggalian ng mayaman at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at api.
Sa tulang ito, ang mga gagamba ang mga mahihirap. Isang
halimbawa ang mga magsasaka. Sila ang nagtatanim sa lupa o ang sanga pero
dumating ang mga ulan o ang mayayaman na itinataboy sila sa lupang kanilang
sinasakahan. Inaangkin ng mga ito ang lupang alam nilang dapat ay sa kanila.
Ang pagsikat ng araw ay ang pagkakaroon ng pag-aalsa ng mga mahihirap laban sa
mga mayayaman. Ang paglaban nila sa sa mga mayayaman ang nagbigay ng pag-asa at
natuyo ang sanga o naibalik sa kanila ang lupang inangkin mula sa kanila. Sa
dulo ay naging masaya ang mga gagamba.


